Last Thursday, December 17 Mia attended her section’s Christmas party. Iba na talaga ngayon noh? Nung nasa elementary pa lang ako pag sinabing Christmas party potluck ang pagkain, nakatoka ang pagkaing dadalhin madalas meryenda lang na juice at pansit o spaghetti okay na. Ngayon, sa party nila Mia lahat ng grades and sections nag-order ng food sa McDo, may free toy, may game host at may mascot pa.
Speaking of mascot, nagpapicture ako kay Hamburglar habang gumagala sya sa school grounds.
|
pagpasensyahan ang double chin, di din pala ako sa lens nakatingin |
Sabi ng teachers bawal daw ang parents sa loob ng classroom habang Christmas party eh masunurin ako kaya tambay lang ako sa labas ng room. Sa labas ng bintana kumukuha ng videos and pictures habang nangyayari sa loob ng classroom ang party.
Pero yung ibang parents/guardians pasaway lang talaga...
Exchange gift time. Months before napagusapan sa parents’ meeting na toy dapat ang regalo at unisex (pwede sa lalaki at sa babae) lalo na hindi naman sigurado kung sino ang mabubunot. Ipinaalala at isinulat din sa diary nila yung rule na yun. Eto na, pinabunot na sila ng numbers at isaisang tinawag at iniabot ang mga regalo. Excited pa naman si Mia the night before pa, nung tinawag ang number niya syempre ang mga bata bukas agad ang regalo. Ayun panlalaki ang nabunot niyang toy :( sinabi nya kay teacher pero wala daw siyang pamalit sa gift at mukhang walang interesadong makipagpalit sa mga classmates niya kaya ayun sinabi ko na lang na papalitan na lang namin ng pambabae ang gift niya ng gusto niya.
After nun, dinistribute na ang food (chicken and rice meal, burger, at juice) at dahil overtime na sila, naghihintay na din kasi ang kasunod na grade na gagamit sa room nagsialis na din kami lahat at nagsiuwi na.
Come Saturday afternoon, napadpad kami sa SM Sucat para hanapin ang pamalit sa gift ni Mia na nakita naman namin sa National Book Store. Happy na ulit si Mia.
No comments:
Post a Comment